Ang Aking Ina
Ang aking ina ay napakahusay,
Siya ang nagturo na umahon sa hirap at maging matibay,
Sa aking inay wala nang makakapantay,
Pagmamahal na tunay ay ibinigay sa amin ng tunay.
Siya ang pinaghuhugutan ko na lakas ngayon at habang buhay,
At kahit may problema hindi siya naging malumbay,
Buong pwersa kung maghanap buhay,
Kaya aking ina'y mahal ko talagang tunay.
Mga aral niya ay hindi malilimutan kailanman,
At dadalhin ko ito hanggang sa aking kinabukasan,
Oh ina'y sadyang kay tapat,
Pag-ibig ko sa iyo ay di magwawakas.